Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kathryn ginastusan kasal ng Kapuso star

0 237

Mrs. Manalo na nga ang Bubble Gang star na si Lovely Abella! Ikinasal na sila ng actor-comedian na si Benj Manalo sa isang garden-themed wedding sa Quezon City.

At siyempre, pinasalamatan niya si Kathryn Bernardo, na siyang gumastos sa wedding gown niya.

“Grabe pala ang bashers noh? Nandudurog ng puso, di mo alam kung sino at anong klaseng tao sila para manghusga. Bago ako magsimula sa industriya di ko pinangarap ang sumikat, pinangarap kong buhayin ang anak ko at pamilya ko dahil breadwinner ako, sadyang mabait nga talaga siguro ako tulad ng sinasabi ng iba kasi lahat ng mababait na tao nakakasama ko,” sabi niya.

“’Di ako marunong manggamit para lang bigyan, at higit sa lahat ‘di maatim ng puso ko na manira ng relasyon, dahil kahit ano pa mangyari (KathNiel) forever noh.

“Kahapon nung nakita ko sila kinilig ako salamat BAL at my GA sa pAgpunta.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Okay heto na, mabait talaga si Kath saksi ako sa lahat ng yan, at niregalo niya sa akin ang Napakagandang wedding Gown na suot ko kagabi na gawa ni @stephtancouture. Sabi ko My Ga ‘wag na, ako na, pero sabi niya regalo daw niya, wag tayong tumatanggi sa blessings yan ang natutunan ko kasi yan ang way nila to share their blessings at para lalo sila ma-Blessed kaya sabi ko buti naihabol kasi 2-days na lang kasal ko na,” sabi ni Lovely.

Inalagaan daw siya ni Kath para gumanda sa mismong kasal niya.

“Salamat sa time and effort Ga, humabol pa yan para lang makita niya kung fit sa akin at maganda sa akin kaya MY GA @bernardokath Thank you for everything, salamat sa mabuti mong PUSO, di ko makakalimutan ang regalo mo at kung di dahil sayo, baka wala akong maisuot.. Mahal kita kayo ni Bal,” sabi pa ni Lovely.

Kathryn Bernardo � (@bernardokath) • Instagram photos and videos
13.9m Followers, 1,285 Following, 1,869 Posts – See Instagram photos and videos from Kathryn Bernardo � (@berna…

Marami ang bumatikos kay Lovely, na kesyo nakipagkaibigan lang sa sikat, o ginamit lang si Kathryn. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.