Una sa Balita

Kathryn, Daniel relationship goals ng mga kabataan

0 607

Tunay na relationship goals ng mga kabataan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na hindi lang blessed sa love life kundi sa career rin.

Sa interview ni Korina Sanchez sa dalawa sa “Rated K”, kinongratulate ng batikang host ang real couple sa pagiging successful ni Kathryn matapos ang “Hello, Love, Goodbye” pati ang pagbansag sa kanya bilang Asia’s Superstar at ang pagkapanalo naman ni DJ ng six awards sa Himig Handog 2019.

Ayon kay Kathryn, dahil daw sa suporta nila sa isa’t isa kaya sila nabibiyayaan ng maraming blessings at kaya nagtagal sila.

“Feeling ko kaya kami nag-work ni DJ kasi nagtutulungan kaming dalawa. Parang sinusuportahan namin ‘yung isa’t isa, like kay DJ ‘yung sa singing niya, ako sa movie. Hindi kami naging selfish,” pagbabahagi ng box-office star.

Seven years at going strong nga ang relationship nila na labis na hinahangaan ng mga tao.

Bukod kasi sa kanilang successful careers, mukhang naninigurado na rin ang sikat na love team sa kanilang future sa pagbubukas nila ng barbershop na may pangalan na Barbero Blues, iba pa ito sa kanilang sari-sariling business na nail salon at restaurant.

Samantala, pagkatapos ng magkahiwalay nilang projects ngayong taon, magbabalik-tambalan ang KathNiel sa telebisyon sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape nitong unang quarter ng 2020. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy