Una sa Balita

Kathryn, Daniel pinakamabenta sa iWant

0 745

Dahil sa COVID-19, lagong pumatok ang regalong libreng 1,000 pelikula sa iWant ng ABS-CBN. Triple ang itinaas ng panonood o views nito noong nakaraang linggo kung kailan nasa bahay lang mga tao sa Luzon dahil sa enhanced community quarantine.

Mula Marso 15 hanggang 21, ang limang pinakapinanood na mga pelikula sa iWant ay ang “Exes Baggage” nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino, “She’s Dating the Gangster” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, “Fantastica” ni Vice Ganda, “Four Sisters and a Wedding” nina Angel Locsin, Bea Alonzo, Toni Gonzaga, at “Barcelona: A Love Untold” ng KathNiel pa rin.

Maging ang original movies at series ng iWant ay nakapagtala rin ng 45% na pagtaas sa bilang ng views sa parehong linggo. Sa mga ito, kumalap ng pinakamaraming views ang “I Am U” ni Julia Barretto, “Fluid” ni Roxanne Barcelo, “Sunday Night Fever” nina Nathalie Hart at Diether Ocampo, “The Tapes” nina Sam Milby at Yassi Pressman, at “Hush.”

Libo-libong users din ang dumagsa sa DZMM Teleradyo sa iWant upang makakuha ng balita kaugnay ang COVID-19.

Habang dumarami ang gumagamit ng iWant, sinuportahan din nito ang panawagan ng gobyerno na tulungang panatilihin ang maayos na internet sa bansa para mas maraming tao ang makinabang.

Binabaan ng iWant ng 33% ang kalidad ng bidyo at tiniyak na hindi maapektuhan ang mga manonood.

Ang iWant ang natatanging streaming service sa bansa na may pinakamalaking koleksyon ng Pinoy video content. Mayroon itong original shows at movies, pelikula, serye, dokumentaryo, live events, at restored versions ng movie classics na maaaring i-stream. (Dondon Sermino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More