Una sa Balita

Kathryn, Daniel pakakasal na?

0 828

Matapos ngang mag-post ang ina ni Kathryn Bernado sa Instagram ng tungkol sa isang proposal, muli na naman nagbigay ng clue si Mommy Min tungkol sa tunay na estado ng KathNiel ngayon.

Hanggang ngayon kasi, wala pa ring kumpirmasyon sa parehong panig kung talaga bang nag-propose na si Da­niel Padilla kay Kathryn, dahil maging ang kanilang mga closest friend and family member ay tikom ang bibig tungkol sa naturang issue.

Well kahit tikom ang bibig ng halos lahat, ang ina naman ni Kathryn ay panay bigay ng pahapyaw kung ano ang posibleng asahan ng mga fan sa kanilang favorite love team.

Tulad na nga lang ng recent post niya ulit ngayon na collaged picture ng KathNiel habang may quote sa ibabaw na “A woman knows the face of the man she loves as a sailor knows the open sea -Honore De Balzac” tapos sinabayan pa ng caption na “The heart wants what it wants.”

Agad itong pinagpiyestahan ng mga fan, at kung ano-anong hinala ang nabuo sa isip nila.

“Parang confirm na may proposal na nangyari hehehehe… Tita Min really trust the love of DJ to our baby Kathryn. God bless them all.”

“The words of Mommy Min connotes something and have meaning….! This might lead to what the KATHNIEL FANDOM been waiting for…!”

“I feel like they’re just waiting for the right time to announce their proposal but they are really already engaged!!!”

Hindi talaga mapakali ang mga fan sa balitang ito, ha! Sino ba naman kasi talaga ang hindi kikiligin kung sakali ngang engaged na sina Kathryn at Da­niel, ‘di ba? Pakakasal na ba talaga sila? (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy