Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kathryn, Daniel nagpa-detox sa Batangas

0 709

Ang bongga rin ng The Farm at San Benito (Batangas). Favorite puntahan ‘yon ng maraming taga-showbiz at society para magpaka-healthy.

Ilang beses na rin akong nakapunta sa lugar na ‘yon at minsan ay nakasabay pa namin si Iza Calzado.

Noong isang araw na katsikahan ko ang isang aktres, naikuwento niyang nagpapa-book siya ng two-night stay sa lugar na ‘yon.

May isang kilalang basketball player din na nagpunta doon last week kasama ang girlfriend at ang pamilya nito.

At noong isang araw, may nakapagkuwento sa akin na nakita niya sa lugar na ‘yon ang mag-fiancé na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Pamilya raw ang kasama ng dalawa, pero hindi nakita ng source ko ang nanay ni Daniel na si Karla. Magpapa-detox din kaya sa lugar na ‘yon ang KathNiel?

Marami kasing nagpupunta sa lugar na ‘yon na ang pakay ay ang pagpapaka-detox. (Jun Lalin)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.