Una sa Balita

Kathryn, Daniel kinasasabikan ng mga Pinoy sa LA

0 405

Isinama ako ng LA beauty guru na si Monet Lu sa isang producer ng mga show doon. Ipinakilala sa akin ni Monet si Ms. Pen de Leon-Manahan ng Spotlight Media Productions na nag-produce ng ­Angeline Quinto-K ­Brosas sa Aqua Caliente Casino and Resort sa Palm Spring.

Puring-puri ni Pen sina Angeline at K ­dahil hindi raw siya nahirapang katrabaho ang mga ito.

“They’re both nice. Ok katrabaho,” sabi ni Pen.

Dahil maganda ang naging experience ni Pen kina Angeline at K, kaya tuloy-tuloy na raw ang pagpo-produce niya ng concerts.

This time, kinuha naman niya sa promoter na si Anna Puno ang Acoustic Playlist nina Joey Generoso at Rey Valera.

Bale siya ang producer ng ­Sycuan Casino, San Diego show ng dalawa on May 17.

“Marami pa akong gustong i-produce. Kapag may KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) na show, kukuha ako.

“Mara­ming magre-request na sila naman ang i-produce ko,” sabi ni Pen.
Favorite rin daw ni Pen si Ruffa Gutierrez na nakilala na niya sa Beverly Hills Hotel noong January.

“I like Ruffa, ang bait din. Nag-iisip ako ng show na ipo-produce for her,” sabi pa ni Pen.

Ang bongga!

Lovi, Montgomery sinusulit ang lambingan sa US

Naku, ilang araw ko na ring hina-“hunting” dito sa Los Angeles, California si Lovi Poe na nagbabakasyon kasama ang British boyfriend na si Montgomery Blencowe na isang Hollywood producer, pero ang ilap niya, huh!

Mukhang sobrang ine-enjoy nina Lovi at Mont ang precious ­moments na magkasama sila rito.

Tinanong ko nga ang isang malapit kay Lovi kung hanggang kailan dito sa LA ang dalaga at baka hanggang February 20 or 21 daw.

Babalik si Lovi sa Philippines dahil kailangan na niyang mag-promote ng “Hindi Tayo Pwede” ng Viva Films dahil sa March 4 na ang showing ng pelikula niya kung saan leading men niya sina Marco Gumabao at Tony Labrusca.

Aktor madalas rumaket sa abroad

Speaking of shows abroad, ang aktor na ito na hindi naman talaga singer, mahilig pa ring rumaket. Para libreng bakasyon siya, tumatanggap siya ng shows abroad na direct na sa kanya.

Hindi na kamahalan ang singil ni aktor sa mga show niya abroad dahil happy na siya na free airfare, accommodation at may pocket money pa siya.

“Saka dahil sikat si (pangalan ni aktor), marami ang kinikilig at nagreregalo sa kanya ng kung ano-ano kaya masaya na siya,” sey ng isang show promoter abroad na nakatsikahan ko.

Actually, marami talagang mga artista na gustong mag-show abroad ­dahil naisasabay nila ang ­libreng bakasyon!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More