Una sa Balita

Kathryn, Daniel hiwalay na

0 1,269

abante-anything-goes-jun-lalinAng pelikula bang ‘Three Words To Forever’ ni Kathryn Bernardo kung saan kasama siya nina Sharon Cuneta at Richard Gomez ang hudyat na paghihiwalayin na sila ng ka-loveteam at rumored boyfriend niyang si Daniel Padilla?

Noon pa kasi may nag­lalabasang pagkatapos ni­tong ‘The Hows Of Us’ ay magkakanya-kanya na raw ang KathNiel, huh!

Pati raw sa telebisyon, baka magkaibang shows na sila.

Pero, sabi-sabi pa lang naman ‘yon, ewan kung matutuloy talaga dahil for sure, magre-react ang mga fan ng KathNiel loveteam, ‘noh?!

Anyway, mukhang excited naman si Kathryn na napasama siya sa reunion movie nina Sharon at R­ichard.

Samantala ang mga fan naman ng KathNiel love team ay excited na rin para sa The Hows Of Us ng rumored-sweethearts dahil showing na nga ‘yon sa August 29.

Mariel mag-aala-Rosanna, Dawn sa ‘Patayin’

Aba, grabe pala sa pagka-professional itong si Mariel de Leon na anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong, huh!

Dahil maulan pa kahapon at alam niyang baha sa maraming lugar, umalis siya sa bahay nila sa BF Las Piñas ng 6:00AM dahil may 11:00AM group interview siya dahil kailangan pa raw niyang magpa-hair and make-up somewhere in Quezon City.

“Mahirap po ma-late,” sabi ni Mariel nang i-meet ko muna siya before 10:00AM sa isang coffee shop sa may Tomas Morato.

Sa tsikahan namin ni Mariel, naikuwento niyang mahilig pala siya sa horror movie kaya sobrang na-excite siya sa pagkaka-include niya sa Barbara Reimagined na ipapalabas sa digital platform ng ABS-CBN.

Bale remake ng ‘Patayin Mo Sa Sindak’ ni Susan Roces ang Barbara Reima­gined at ‘yung role na gi­nampanan ni Rosanna Ortiz (na ginampanan naman ni Dawn Zulueta sa isang remake) bilang Ruth na namatay at nagmumulto ang role niya.

Si Nathalie Hart naman ang nakasama niya roon, pero hindi pa raw siya sure kung kailan ipapalabas talaga.

“Gusto ko talaga ang horror movies, kaya natuwa ako sa project na ito,” sabi niya.

Sampal ni Lovi ikinatuwa ni Mariel

Sa isa naman niyang pelikula, ang ‘Latay’, kung saan kasama naman niya si Lovi Poe, nag-drama naman siya.
Gusto rin daw niya na may sampalan scene silang dalawa.

Ang galing nga raw ni Lovi dahil parang totoong-totoo ang sampal sa kanya, pero hindi naman talaga tumatama.
“Ang galing ni Lovi na mag-control. Kung pano­noorin ‘yung ek­sena namin, parang tuma­tama pala, pero hindi naman. Hindi ako nasaktan. Hindi talaga tumama ‘yung mga sampal sa akin.

“Bilib nga ako kay Lovi, sanay na siya sa mga ganoong eksena.

“Pero ako naman, okey lang sa akin kung tamaan man ako, part naman ‘yon ng work ko bilang artista,” sabi pa ni Mariel.

Sa ngayon, wala munang boyfriend si Mariel at concentrated siya sa kanyang showbiz career.

Pero hindi naman bad break-up ang nangyari sa kanila at naiintindihan ng ex-boyfriend niya na ang showbiz career muna ang priority niya sa ngayon.

“Basta concentrated muna ako sa showbiz career ko lalo na at bago pa lang naman ako. At first nga, ayoko sana mag-artista, pero nang ma-try ko nagustuhan ko na rin, kaya tuluy-tuloy na talaga ito ngayon,” sabi niya.

Nag-deny nga pala si Mariel sa tsikang nagbantay ang nanay niya sa pictorial niya para sa pagiging cover girl ng digital issue ng FHM Philippines.

“No, not true. Kasama ko lang ang yaya ko, plus sty­ling team. Hindi nagbantay ang Mom ko.

“Pero, alam naman kasi nila, nagpaalam nga muna ako nang i-offer nga sa akin ‘yon, so sila naman, they trust me, kaya hindi na sila sumama. Hindi sila nagbantay!” pahayag pa ni Mariel.