Una sa Balita

Kathryn, Daniel hiwalay na?

DJ in-unfollow sina Kath, Mommy Min!

By
0 1,876

Apat na araw na lang, Valentine’s Day na. At sa interbyu namin kay Kathryn Bernardo kamakailan para sa Maxi Mango na bago niyang iniendorso, ang tungkol sa plano nila ni Daniel Padilla na magliwaliw sa dagat ang napag-usapan.

Sobrang excited na si Kathryn doon. At tanong nga sa kanya, papayagan kaya siya ni Daniel na mag-swimsuit sa dagat, na alam naman ng lahat na konserbatibo ito.

Pero kahapon ngayon, habang isinusulat ito, lumabas ang haka-haka na hiwalay na sina Daniel at Kathryn?

Nagsimula ang haka-haka dahil sa pag-unfollow ni Daniel kay Kathryn at sa nanay nito na si Min Bernardo sa Instagram.

Sinubukan nga naming i-type ang pangalan ni Daniel sa ‘followers’ ni Kathryn, at oo nga, wala na ang name nito. At ganu’n din sa Instagram account ng nanay ni Kathryn, wala na nga ang name ni Daniel sa ‘followers.’

‘User not found’ ang malinaw na lumalabas kapag tinipa mo ang name ni Daniel. Pero, sa mga account naman nina Kathryn at nanay niya, pina-follow pa rin nila si Daniel.

Samantala, sa Instagram story naman ni Kathryn, walang bakas na malungkot ito, at ang huling IG story niya ay ang medyas na suot niya na may picture nila ni Daniel Padilla.

“Hahahaha so cute. Thank you so much Julia, Talia, ang baby basti,” ang caption niya.

At yes, wala ring burahan ng mga photo nila ni Daniel, at ganu’n din naman si DJ, wala ring burahan ng mga photo nila ni Kathryn.

Sa Instagram account naman ni Karla Estrada, ang tungkol kay Joyce Meyer ang pinost niya. At about ‘yon sa reklamo tungkol sa problema. Na sinasabi nga na dapat ay malakas ang paniniwala mo sa Diyos, at magdasal ka, at hindi puro reklamo lang.

Binura ang 7 taon sa isang iglap?

Pero siyempre, hindi katanggap-tanggap sa mga fan ang sitwasyon na ito, na in-unfollow ni Daniel ang mag-inang Kathryn at Min. Nagsisikip ang dibdib nila, at kung saan-saan na nga umabot ang kuwento, haka-haka, hinala nila.

Heto nga ang reaksyon ng mga fan:
lovegin_deluna, “Break naba? Paanu ung ­naka-block na ang Valentines day?”
@maefrancisc, “Si DJ tapos si Kath finallow nya ulit si DJ ang sakit diba ganon lang kada­ling gawin yon DJ ‘yong 7years na pagsasama nila isang iglap lang binura nya agad.”

bhongdelrosario, “Omy God jusko wag naman bakit ang sakit sakit para sa aming mga fans si DJ pa talaga ang nag unfallow kay kathryn sakit talaga parang gusto kong umiyak …nag wagi si athenagaga at mga alipores ni karla… at true talaga na i unfallow nya si kathryn nakita ko kakafallow ulit ni kathryn si DJ at si Ria yan siguro ang ibig sabihin ni dj sa isang post nya na pinalitan nya sabi nahihintidihan mo naman ako diba bal yan ang sabi ni dj yan siguro ang ibig sabihin nya so sad so sakit sakit dj.”

lovegin_deluna, “Kapag Ni unfollow ay may lq na agad diba pwedeng trip na Naman niyan Ng dalawa.”
lornalucot, “@lovegin_deluna hindi na siguro trip yan baka totoo na yan alam nila maraming masaktan bakit sila mag trip ng ganyan .hwag naman sana.i love them both.”
salmi.atimerry, “Tita, why dj unfollow kath??? What happened tita Min!!!!”
rochhernandez, “@bernardomin titaaa kamusta po kathniel??”

Magpaliwanag kayo KathNiel – mga fan

Ann_treze, “we deserve an explanation po. what’s happening to kathniel?”

jenny.1296, “Daniel unfollow kathryn. Why? Kath­niels deserve the truth.”

montflc, “mahal namin kayo ni kathryn, please always remember that.”

kathryn_dominic, “you can flirt now you’re free after break up with Kathryn.”
mikkaylla18, “Love you Deeej!”

itskhimc, “DJ ano ba yannn? Bakit mo inunfollow si kaaaathhhh? Sana maayos nyoooo.”

jannah3736, “Bkit you unfollowed tita min and kath?”

adcbos, “Habang binabalahura ng family friends ni @supremo_dp si @bernardokath ay si Daniel nakikipag-bar at party sa kagabi kasama pa mga ibang babae. Flirting time na naman sya. Wala na talaga pag asa, tama nga siguro na once a cheater always a cheater. Wala rin lakas ng loob at balls para ipagtanggol man lang gf daw nya. l @bernardomin.”

superem1987, “@scaredkat2016 don’t worry. let us trust daniel, after all, mahirap magpanggap.for 7 years and i think sincere sya, lamang ay madaming temptations sa showbiz that is why we need to pray for this couple everyday para ­maging strong sila and hindi masayang yung 7 years. anyway if may something naman lalabas at lalabas but here just trust daniel muna. and saludo ako sayo kasi natitiis mo maging malayo sa family mo to support them. God bless.”