Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kathryn, Daniel ‘di malaswa harutan

0 120

Hindi na kailangang magsubuan, maglandian ang KathNiel para mapakilig ang kanilang mga tagahanga sa social media.

Kahit nga ang pag-toast ng pagkain, umuusok na sa kilig ang dalawa.

Mapapanood sa Instagram ni Kathryn Bernardo ang video ng Japanese cuisine date nila ni Daniel Padilla.

Simpleng video post lang ito na nagpapakita ng simpleng date ng dalawa. Pero, yung mga reaksyon lang na sarap na sarap sila sa kanilang kinakain ay sapat na sa mga fan para kiligin.

Kung meron mang wholesome couple na matuturo sa showbiz ngayon, ang KathNiel na siguro ito na walang anumang bahid ng kalaswaan o anumang aksyon para i-sexualize ang kanilang pagmamahalan sa social media.

‘Ga-kalamansi lang’ Bukol ni Ruru minaliit ng mga beki

Mangga? Santol? Kalamansi?

‘Yan ang komento ng mga netizen sa tweet ni Ruru Madrid ng larawan niyang nag-iimbita ng pagnanasa gamit ang photo na topless siya at white jogger cotton pants lang suot, habang nasa ilalim ng puno ng mangga.

“Mangga for Sale!” sabi ni Ruru.

Pero hindi kumbinsido ang mga beki na mangga ang ibinebenta ng aktor dahil wala namang nakabakat na mangga sa kanyang pantalon.

Ibig sabihin, hindi nila masukat kung mangga ba talala meron ang aktor o baka kalamansi o maliit na santol lang.

Maaring ang mga bunga ng mangga sa larawan nito ang sentro ng tweet ni Ruru, kahit malinaw namang gusto lang niyang ipangalandakan ang kanyang kamachohan at paglawayin ang mga fan.

Ang iba ay ang pandesal o abs na lang ang napansin kay Ruru, dahil wala ngang nakabakat na mangga sa harap nito.

Sa tingin ko, puwedeng ikunsidera na dalandan ang bukol niya, at masyado namang maliit kung kalamansi ikukumpara.

Leave A Reply

Your email address will not be published.