Una sa Balita

Kathryn Bernardo palihim na tumulong sa mga frontliner, kapus-palad

0 633

Kalat ngayon sa social media ang ilang mga litrato ng netizens na nagpapasalamat sa aktres na si Kathryn Bernardo matapos silang makatanggap ng tulong mula sa dalaga.

Base sa ilang mga Facebook post, makikita ang mga box ng pagkain na mula sa Kapamilya star.

Saad nga ng baranggay captain na si Ronald Tagle, “Thank you very much Ms. Kathryn Bernardo sa binigay mo na food para sa Barangay Claro.”

Pati nga ang RN na si John Michael Vito ay nag-post din ng kanyang pasasalamat sa pamamahagi ng aktres sa kanyang ospital sa San Lazaro Hospital.

Ayon nga sa kaibigan niyang si Juan Miguel Severo; “Ito (Kath) nakaka-chat ko naman halos araw-araw, walang sinasabi tapos malalaman ko na lang sa iba na kung ano-ano na palang tulong ang pinapaabot?”

Kung hindi pa pinost ng mga tao ang binigay ng aktres hindi pa malalaman ng tao na tumutulong pala si Kathryn at hindi lang nagpo-post tulad ng nakikita sa iba.

Well, wala rin namang masama kung i-post ng mga artsita ang mga ginagawa nilang pagtulong, dahil mas marami nga ang naeengganyo o nahihikayat nila na tumulong din. At okey lang naman talaga na i-post ng mga artista ang ginagawa nilang pagtulong, lalo na kung nag-solicit din talaga sila para ipamahagi, para makita rin ng mga donor kung saan napunta ang mga ibinigay nila. (Dondon Sermino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More