Una sa Balita

Kathryn bawal nang ‘gamitin’ ni Ricci Rivero

By
0 1,597

Pinagsabihan pala ang UAAP basketball star na isa sa bida ng Metro Manila Film Festival official entry na Otlum na si Ricci Rivero na tigilan na ang pagsabi sa kanyang mga interview na malaki ang crush niya kay Kathryn Bernardo.

Marami na raw kasing mga KathNiel fan ang naiimbiyerna sa mga statement ni Rivero tungkol sa paghanga nito kay Kathryn. Kaya naman may mga namba-bash na rito.

Isa sa akusasyon ng mga KathNiel fan sa UP Figh­ting Maroons player ay ang panggagamit niya sa name ni Kathryn para ma-promote ang movie nito sa MMFF.

Pero ayon kay Rivero, wala naman daw siyang intensiyon na galitin ang mga KathNiel fan dahil noon pa man ay crush na niya si Kathryn at nagiging ho­nest lang daw siya sa mga nagtatanong sa kanya.

“Iba talaga ‘yung tingin ko kay Kathryn na parang may something special talaga sa kanya,” sey ni Rivero na ikinalokah ng mga KathNiel fan.

Dahil baguhan sa showbiz, marami pang dapat malaman si Ricci para hindi siya mapag-initan ng mga die-hard fan ng mga loveteam. Kaya inabisuhan ito na tantanan muna ang pagbanggit sa name ni Kathryn sa mga interview niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy