Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kathryn, Alden gagawa ng serye sa GMA?

0 917

Idinaan nina Kathryn Bernardo, Joross Gamboa, Kakai Bautista sa pag-post ng mga throwback video, photo ang selebrasyon ng unang taon ng blockbuster movie nilang “Hello, Love, Goodbye” na pinagbidahan din Alden Richards.

Sa Instagram ni Kathryn, pinoste niya ang mga itinagong video na hindi niya in-upload sa social media. Makikita roon ang pangungulit niya sa staff, panggigigil sa matabang lalake.

Kinunan din niya ang mga natutulog na kasama sa coaster. May video rin siya na nagtu-toast sina Kakai at ibang kasama ng red wine sa loob ng hotel room.

Kasama naman si Alden sa selfie video niya sa walkway papasok ng eroplano. Lahat ng mga video ay kinunan sa Hong Kong.

Umaasa ang mga fan nina Kathryn at Alden na maulit ang kanilang tandem, kahit sa isang serye sa GMA 7, ngayong sarado na ang Kapamilya network.

May balita ngang magsasama ang dalawa sa isang teleserye sa GMA? True kaya `yon? (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.