Una sa Balita

Kathryn, ‘super-exclusive’ na kay Daniel!

By
Kathryn Bernardo at Daniel Padilla
0 7

Sa limang taon ng KathNiel love team, marami pa rin ang nagtatanong kung ito bang ka-sweet-an nila as screen partners ay puwede na bang bigyan ng label na silang dalawa na nga ba sa totoong buhay?

In the past, wala pa rin talagang pag-amin mula kina Da­niel Padilla at Kathryn Bernardo kung puwede na ba silang i-label bilang magdyowa in the real sense of the word.

Pero, sa presscon ng da­lawa para sa movie na Barcelona ng Star Cinema, kahit papaano ay may pasabog na sinabi si Daniel, dahilan para magsigawan ang kanilang fans na nasa gallery ng Dolphy Theater sa ABS-CBN.

“Gaya ng sinabi ko, kumbaga, exclusive na kame.”

“Wala nang puwedeng may dumagdag pang isa dun.”

“’Yun na lang ‘yun.”

“Exclusive kami, bawal na ang isa pa,” sabi ni Da­niel, na ang meaning nga, bawal nang magpaligaw si Kathryn sa ibang lalake.

Nasaang level na ang kanilang ‘relasyon’?

Saad naman ni Kathryn, “Saang level?”

“Siguro, andun kami sa level na…di ba, nagsisi­mula sa fist year, yung getting-to-know.”

“Then, sa second year, ‘yung malalaman niyo na ang mga differences niyo.”

“And then nandiyan na ‘yung ma-accept niyo at magka-clash kayo.”

“Kami ngayon, siguro andun na kame sa level na tinanggap na namin ang isa’t isa.”

“And next to my Mom, siguro si DJ na ang taong pinakakilala ako.”

“Sa kanya, puwede ako na maging sino talaga ako at tatanggapin niya ‘yun.”

“Yun bang kilalang-kilala na niya ako.”

“And masasabi ko na heto na ang pinaka-happiest stage at tala­gang ini-enjoy namin everyday.”

Paliwanag din ni Daniel, “Hayun nga, di lagi nga kaming pagod, stressed, andun kami sa stage na pinag-uusapan namin ang sitwasyon.”

“Basta kaming dalawa, okey na kami.”

“Yung iniisip namin na para saan na itong ginagawa namin, para kanino? Ano ba ang gusto nating gawin?”

“Laging andun lang kami and basta kahit problema ay ginagawa naming okey na dalawa.”

“And andito kami sa pinakamasayang stage, hindi man ‘yung pinakababa, pero pinakamasaya.”

“Basta masaya kami, wala kaming problema.”

“Basta, okey kami, okey. Yun lang.”

Halata naman ang kasiyahan na ‘yun sa dalawa dahil kung pagbabasehan ang body language nila sa buong presscon proper, ito nga ‘yung tipong takot si Daniel na mawala sa kanya si Kathryn dahil sa buong time na ‘yun ay nakahawak siya sa may tuhod ng kanyang ka-love team.

‘Yun na!