Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

KathNiel mukhang kasal na

0 223

Siguradong marami ang matutuwa sa reunion nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, sa tatlong kinikilala nilang mga ina sa industriya, sina Cathy Garcia- Molina, Mae Cruz Alviar, at Olivia Lamasan sa “2 Good 2gether: A Special Reunion” documentary na palabas ngayong Mayo 12 sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Sa pagpapatuloy ng pagdiriwang ng KathNiel ng 10 taon anibersaryo, binalikan ng dokyu ang mga pinagdaanan ng loveteam kasama ang tatlong batikang direktor sa loob ng sampung taon.

Kinilig ang mga fan sa teaser ng documentary kung saan inamin ni Direk Cathy na hanggang ngayon ay hindi niya alam kung kailan naging magkasintahan ang dalawa.

Tanong pa niya kina Kathryn at Daniel, “So wala pang kasal?” na parang may duda nga na tila kasal na ang dalawa.

Natanong din ni Direk Mae kung may panghihinayang o pinagsisihan sina Kathryn at Daniel. Sinagot naman ito ni Kathryn, “Sana mas nagtiwala ako sa sarili ko matagal na.”

Inalala naman ni Inang ang unang pagkikita nila ni Daniel.

“Una ko silang naidirek sa ‘Pangako Sa ‘Yo.’ Si DJ parang tadpole,” sabi ni Inang.

Sumakay naman si DJ sa biro, “Paki-zoom in nga po. Am I tadpole?”

Bilang mga ina ang tingin nina Daniel at Kathryn sa tatlong box-office directors, tinanong din ng dalawa kung naniniwala pa ang tatlo sa kanila at kung tama pa rin ba ang kanilang nilalandas.

So, huwag palampasin ang reunion ng KathNiel kasama ang tatlo sa mga batikang direktor ng industriya sa “2 Good 2gether: A Special Reunion,” na proyekto ng Made For YouTube sa Mayo 12 (Huwebes), 8PM sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.