Una sa Balita

KathNiel movie handog ng KBO ngayong Holy Week

By
0 482

Ilang buwan pa lang ang nakakaraan, ihahandog na ng KBO ngayong Abril 18-21 ang highest grossing film ng bansa na “The Hows of Us” tampok ang “Phenomenal Stars of Philippine Cinema” sa nakaraang 50th Guillermo Mendoza Box Office Awards, na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Muling mapapanood ng mga Kapamilya ang kanilang mga karakter na minahal ng marami, na sina George (Kathryn) at Primo (Daniel). Ginampanan ng dalawa ang magkasintahang nangako na susuportahan ang isa’t isa, magkasama sa bahay na saksi sa wagas nilang pagmamahalan, ngunit malalagay sa bingit dahil sa kaniya-kaniyang pinagdaanang mga hamon: lalamunin ng depresyon si Primo at masasadlak naman si George sa hirap ng pag-aaral at pagtratrabaho para tustusan ito.

Bukod sa parangal na natanggap nina Daniel at Kathryn, nakatanggap din ang mismong pelikula ng Gol­den Jury Award for being the highest gros­sing Filipino film of all time mula sa 50th Guil­lermo Mendoza Box Office Awards. Nanalo rin ng Most Popular Film Director si direk Cathy Garcia-Molina  at Most Popular Screenwriters sina Carmi Raymundo, Crystal San Miguel and Gillian Ebreo sa natu­rang award-giving body. Noong Pebrero naman, pinarangalan din ang pelikula ng Camera Obscura Artistic Excellence Award ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). 

Mapapanood kasama ng “The Hows of Us” sa 4-day long weekend, ang isa pang blockbuster movie ng KathNiel na “Barcelona,” pati na ang mga pelikula ng JoshLia na “Unexpectedly Yours” at “Vince & Kath & James,” Sarah-John Lloyd movies na “A Very Special Love” at “You Changed My Life” at Vice Ganda movies na “Gandarrapido: 

The Revenger Squad” at “The Super Parental Guardians.” 

Para panoorin ang KBO movies, mag-register gamit ang prepaid o postpaid SIM. Sa prepaid, mag-load lang (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang inyong box ID; i-text ang KBO30 (date) sa 2366.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy