Una sa Balita

KathNiel matibay ang relasyon — Karla

By
0 1,086

Mariing itinanggi ni Karla Estrada na may pinagdadaanan ngayon sina Da­niel Padilla at Kathryn Bernardo bilang magdyowa. Kung ang basehan daw ng mga netizen ay ang tungkol sa pag-unfollow sa IG, paniwalaan na lang daw natin ang naging pa­liwanag ni Kath na aksidente ang nangyari.

Kampante ang bida ng “Familia Blandina” na matibay at buo pa rin ang relasyon ng KathNiel.

Mapapansin at mapapansin daw niya ito sa kanyang anak kung may problema ito, and so far, wala naman kaya relax din siya.

‘Yung tsika naman na isang buwan na magbabakasyon si DJ para raw magpalipas ng sama ng loob ay ikinagulat ni Karla. Nagpaalam daw ang kanyang anak na one month ito sa Pangasinan para tumulong sa kandidatura ng ama nitong si Rommel Padilla na tumatakbo nga roon.

At makakasama rin daw sa sorties si Kath, so walang katotohanan na dahil gusto nitong makaiwas muna sa mga intriga.

Hindi naman kailangang kausapin niya si Kath dahil wala nga namang isyu sa dalawa kaya ‘wag na lang daw palakihin ito. So, relax-relax lang daw at ‘wag nang sirain na ang matagal nang relasyon ng dalawa na masaya sa isa’t isa. Korekek!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy