Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

KathNiel, LizQuen, MayWard makikipagkulitan sa mga fan

0 654

Makipagkulitan kasama ang KathNiel, LizQuen, at MayWard.

Kung gusto mo ng kasama o miss na ang mga kaibigan, siguradong mae-enjoy mo ang chikahan nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Liza Soberano, Enrique Gil, Maymay Entrata, at Edward Barber sa “Love From Home Fan Sessions: Love Teambahay by Jeepney TV,” ng Jeepney TV sa YouTube, para sa “Pantawid ng Pag-Ibig” ng ABS-CBN Foundation.

Sandamakmak na kwento rin ang bitbit ng Rise Artist Studio sa “We Rise Together” ng Star Cinema sa YouTube. May handog ding mga bagong kanta ang Star Music mula kina Maymay, Inigo Pascual, at Ivana Alawi.
Maghahatid naman ng kulit at tawa sa overseas Filipinos si Alex Calleja at iba pang mga Pinoy comedians sa “Stand Up for Laughs.” Maglalakbay at pag-aaralan naman nina nina Fumija Sankai at Yamyam Gucong ang pagtatanim sa “Highway Harvest,” kung saan matututunan ng OFWs at kanilang mga pamilya sa Pilipinas ang iba’t ibang negosyong pwede nilang pasukan.
Kung gusto niyo naman ng hugot, panoorin sina Diana Mackey at Brian Gocheco bilang magkasintahang naudlot ang kasal habang may quarantine sa “Wedding Dress: For Sale” ng PILIkula.

Kung horror naman ang hanap, maninindak ang mga miyembro ng MNL48 sa isa-isang pagkawala ng kanilang mga kaibigan sa “MNL48 Presents: Chain.”

Masisilayan muli ang pinakamakukulit at pinakamadamdaming moments mula sa iba’t ibang seasons sa loob ng bahay ni Kuya sa “PBB Balikbahay.”

Libreng mapapanood ang online shows na ito mula sa produksyon ng ABS-CBN Films, Star Cinema, Kumu, Black Sheep, RISE, TVDG, Star Music, Star Magic, Cinema One, TFC, at OKS. (DS)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.