Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

KathNiel kumpirmado na ang kasal sa 2022

0 1,386

May nakapagtsika sa akin na kaya nasa The Farm at San Benito (Batangas) ang mag-fiancé na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay dahil 8thanniversary na nila.

Bongga raw ang villa nila sa lugar na ‘yon.

Kasama raw nila ang nanay ni Kathryn na si Mommy Min at isa pang kamag-anak ng dalaga.

May isang ka-close nga pala si Kathryn ang nagtsika sa akin na sure na raw na sa 2022 magpapakasal ang mag-fiancé.

Actually, may isa namang close sa side ni Daniel ang nagkuwento rin sa akin ng tungkol doon, pero wala pang mga detalyeng sinasabi.

Well, hindi lang naman mga KahtNiel fan ang nag-e-expect na mauuwi sa kasalan ang relasyon nilang dalawa. Noon pa man, ang mga malalapit sa dalawa ay sinasabing sila talaga ang magkakatuluyan!

Ruffa nagpa-detox sa Batangas

Noong Monday naman, nagpunta rin sa The Farm at San Benito si Ruffa Gutierrez. Treat kay Ruffa ang stay niya sa lugar na ‘yon.

Ita-try rin ni Ruffa ang detox doon na recommended sa kanya ng isang kaibigan.

Nagulat si Ruffa nang sabihin ko sa kanya na kasabay niya roon sina Kathryn at Daniel, pati na rin si KC Concepcion (na ang sabi ay hanggang Friday pa doon).

“Paano mo alam?” gulat na tanong ni Ruffa.

I have friends na nandiyan din.

Ang The Farm at San Benito nga ang puntahan ngayon ng marami.

Anyway, hanggang today lang si Ruffa sa The Farm at San Benito.

Alice, Donita bakasyon sa Balesin

Puntahan din ang Balesin Island na isang membership club resort.

May nagtsika sa akin na nandoon ngayon ang magkaibigang Alice Dixson at Donita Rose.

Member daw si Alice sa lugar na ‘yon at hindi lang malinaw ang kuwento sa akin kung sila ba ang magkasama sa lugar na ‘yon o nagkasabay lang sila.

Birthday kasi ni Alice, kaya rest muna ang beauty niya sa napakagandang island na ‘yon.

Si Donita, baka gusto niyang i-enjoy ang lugar na ‘yon bago siya umalis ng Philippines on August 18 para mag-migrate na sa San Francisco, California.

Marami ring showbiz na may favorite sa lugar na ‘yon. Last week din ay nandoroon ang mga taga-Cornerstone.

Nakita ko sa ilang pictures ang Gold Squad member na si Kyle Echarri.

Ang Cornerstone ang manager ni Kyle.

Parang nag-shoot sila sa lugar na ‘yon ng para sa vlog ng isang businesswoman/philanthropist.

Leave A Reply

Your email address will not be published.