Una sa Balita

KathNiel balik-tambalan sa ‘Tanging Mahal’

0 446

Reunited na nga ang isa sa mga favorite celebrity couple ng generation ngayon na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o KathNiel! Nananatiling Kapamilya nga sila, at pumirma na ng three-year contract ang couple sa ABS-CBN kamakailan lang.

Sinabi ng dalawa na may mga naka-line up na proyekto na ngang nakahanda para sa kanila. Matapos ang mahigit isang taon na hindi pagsasama on screen, mayroon naman silang pagsasamahan ngayon na teleseryeng pinamagatang “Tanging Mahal”.

Aba at sa title pa lang ay hindi na makapag-relax sa excitement ang mga fan at talagang todo-ingay na agad sa comment section ang mga ito. Bukod pa riyan, mayroon din inihahandang pelikula para sa kanilang dalawa, kaya naman doble talaga ang excitement para sa mga fan.

Sa ngayon, wala pang further details na ibinabahagi tungkol sa mga naka-line up na project para sa KathNiel, pero sigurado na nga na may bonggang reunion na magaganap sa nasabing love team. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More