Una sa Balita

KathNiel, AlDub wasak sa KathDen

By
0 1,009

Tuloy na ngang talaga ang pagsasama sa Star Cinema movie nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na ang balita nga ay sa Hong Kong ang magiging shooting location. Nauna nang na-reveal na si Direk Cathy Garcia-Molina ang magiging director na last week ay balitang nasa Hong Kong at diumano’y nagsasagawa ng ocular.

Nakapag-storycon na kahapon for the movie. First for Alden na makagawa ng pelikula sa Star Cinema at makapareha ang isang Kapamilya star.

Ang alam namin, nakakontrata si Alden sa APT Entertainment pagdating sa mga movie project niya, so kung tuloy na ang paggawa niya sa Star Cinema, nangangahulugan lang ito na pinayagan ng APT ang Pambansang Bae na makagawa rin sa iba.

Sabagay, kung wala pa naman talagang nakakasang projects na maaaring simulan, bakit nga ba hindi?
Parehong galing sa sikat na love team sina Kathryn at Alden. Kaibahan lang, si Kathryn ay talagang in a relationship with Daniel Padilla.

So far, sa balita pa lang na pagsasama nila ay lamang na lamang ang mga positibong feedback sa bagong tambalan nila. Fresh at bago nga naman na puwedeng abangan. Ito na kaya ang magpapabagsak sa KathNiel at AlDub?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy