Una sa Balita

KathDen patok sa HK

By
0 601

Nag-trending ang hashtag na #PabaonKayAlden kahapon dahil sa pag-alis niya ng bansa papuntang Hong Kong. Katulad nga ng mga nauna nang nasulat, sa Hong Kong ang halos kabuuan ng shooting ng pelikulang pagtatambalan nina Alden at Kathryn Bernardo for Star Cinema.

Still untitled ang movie kung saan #KathrynAldenMovie2019 muna ang tawag. Isang OFW sa Hong Kong si Alden pero matagal nang naka-base rito, kaya naman marunong itong magsalita ng Cantonese.

Pinag-aralan muna ito ng Pambansang Bae bago ang shooting, kasabay ng pagpapayat pa niya. Katulad ni Alden, lumipad na rin si Kathryn papuntang Hong Kong.

Senyales ang mga magagan­dang messages o “pabaon” ng mga Aldenatics kay Alden na positibo talaga ang pagtanggap ng mga fan sa bagong tambalan nila na ito ni Kathryn.

Ilan sa mga nabasa namin sa nag-trend na hashtag, mula sa @solidteamalden, “Thank you for making this possible @StarCinema we’re very grateful kase makakaarte ulit si A with Kathryn and in big screen pa. IBA KAYO. THANK YOU!”

Sabi naman ni @karadelrosario, “Safe skies @aldenri­chards02. Make the most of this experience of working with a top notch director, a highly skilled production team and a good actress for a lea­ding lady.”

From @raksnroll, “Safe travel paps @aldenrichards02. We know that you’ll do your best so enjoy lang while doing this project. Explore and grasp the learnings from DCGM. We can’t wait to see your movie with Kath! Ingats kayo. P.S. Kumain ka, sobrang payat mo na!”

Kasama rin sa movie ng dalawa sina Maymay Entrata at Joross Gamboa na bukod kay Kathryn, nabanggit ni Alden na ikina-e-excite rin daw niyang makatrabaho dahil alam niyang magagaling din at mas magiging masaya ang set nila.

Buong isang buwan o mahigit pa ang shooting nila sa Hong Kong. Uuwi lang si Alden para sa opening ng sarili niyang branch ng McDonalds sa Biñan, Laguna on April 26 at pagkatapos ay babalik muli sa HK. Sure na rin daw na hindi na sila matutuloy na pamilya sa Holy Week plan nila dahil nasa HK pa rin siya ng Mahal na Araw at nagsu-shooting.

Anyway, siguradong gaganahan naman lalo sina Alden at Kathryn sa paggawa ng movie dahil sa ngayon pa lang, ang dami nang na-e-excite at nag-aabang.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy