Una sa Balita

Kath, Alden sa Hong Kong magsyusyuting

0 884

Until now, wala pang kumpirmasyon sa parehong kampo nina Kathryn at Alden Richards sa lumabas na balitang pagsasama nila sa isang pelikula under Star Cinema.

Pero ano nga ang kasabihan, “silence means yes?” O mas tamang, “Kung may usok, may apoy.” Bagong tambalan nga raw ang KatDen ngayon na in fairness naman, marami­ sa mga comment ng netizens na nababasa namin ay positibo kung sakaling tuloy na nga. Fresh at bago naman daw.

Nagtanong-tanong din kami kung totoo nga ang ilan sa mga ­unang lumabas na balita na pagsasama nila. Na si Direk Cathy Garcia-Molina ang magiging­ director at ang magiging location ng pelikula ay sa Hong Kong.

Base sa pagtanong-tanong namin sa ilang ayaw magpa-identify, totoo nga raw na may nilulutong KathDen movie ang Star Cinema. Mala­king bagay raw na aprubado ng Mommy Min ni Kathryn si Alden at gusto nito ang Kapuso actor. At ang latest, ang team nga ni Direk Cathy ay nasa Hong Kong ngayon­ at nag-o-ocular for the movie.

Kung walang magi­ging aberya, posible raw na ngayong Linggo ay magkaroon na ng formal announcement sa pagsasamahang pelikula ng dalawa na ang diumano’y target date ay mid of this year.

Hindi siya suplada — Joross

Kamakailan lang ay nagpa-matching ear piercing si Kathryn at ang mga malapit na kaibigan sa kanya na sina Ria Atayde at Juan Miguel ­Severo.

Pero bukod sa dalawa, ang isa sa masasabing naging malapit kay Kathryn bilang kaibigan ay si Joross Gamboa.

Nakausap namin si Joross kung paano sila naging close ni Kathryn. Ayon dito, nagsimula ang pagiging malapit nila sa ginawang serye na La Luna Sangre hanggang sa magkasama sila sa mga pelikula ng Star Cinema, pinakahuli ang “Three Words to Forever.”

Sabi namin, ‘yung iba napagka­kamalan ang dalaga na suplada o mahirap i-approach. Takang-taka naman si Joross at sey niya, “Siguro kung may nagsasabi man na ganun, baka misunderstood lang siya. Pero hindi siya suplada, hindi talaga. Ako, alam ko kung sino ang mga attitude na artista?

“She’s very down-to-earth, mabait siya and thoughtful. Kahit sa anak ko, biglang bibilhan niya ng regalo, thoughtful siya.”

Lahad pa ni Joross, si Kathryn daw, parang ordinaryong tao lang din. May time pa nga raw na kausap niya ito at ang ginagawa, busy sa paglilinis kahit ng toilet bowl nito.

“Ganun siya, hindi siya maarte.”

Dugtong pa niya, “Actually, si Kath, sobrang dalas naming asarin ni DJ, pero mabait, mabait si Kath.”

CEO sa edad na 23

Sabi nga, mas wise na ang kabataang artista ngayon. Hindi na lang sila dume-depende gaano man kalaki ang kinikita nila sa showbiz, marami sa mga ito, nag-i-invest talaga sa negosyo.

Ang pinili ni Kathryn na unang business venture niya ay ang “KathNails” kunsaan, si Kathryn ang tumatayong Chief Executive Officer.

Hands-on din daw si Kathryn sa business na ito. Malaking bagay na isa ito sa mga passion niya. Nagsimula sa SM North Edsa noong 2017, ngayon ay may apat na itong branches.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy