Una sa Balita

Katawan ni Darren pinanggigilan ng baklita

0 460

Nanggigil ang baklitang teen actor na si Awra Briguela sa topless photo ni Darren Espanto sa pinoste ng huli sa kanyang Instagram.

Nasa isang veranda ng hotel unit niya si ­Darren habang nasa background naman niya ang photo ng beach na pinuntahan niya sa Mexico. Walang pang itaas si Darren na siyang nagpalantad ng kanyang abs.

Tila may hatid na kuryente at kilig kay Awra ang kamachohan ni Darren kaya naman nag-comment ito na “Iba”. Walang dudang isa sa mga crush ng anak-anakan na ito ni Vice Ganda si Darren.

Tumugon naman si ­Darren sa ­comment ni Awra na “­Paminsan-minsan” na ang ibig sabihin ay hindi naman siya madalas nagpapa-sexy. (Rey ­Pu­maloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More