Una sa Balita

‘Katas’ ni LeBron ninamnam ni Pia

0 605

BASA man ng pawis ang sinuot na jersey ni Lebron James ay walang keber itong binitbit ng isa sa naging pinakamagandang babae sa universe.

Ito ay matapos na makita sa social media na bitbit ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang nasabing jersey pagkatapos ng 2020 NBA All-Star game.

Kayninong jersey ang bitbit ni Queen P? Edi kay ‘The King’ LeBron James!
Kita sa post ni Pia sa kanyang Instagram na hawak niya ang sinuot at ginamit na jersey ni LeBron na mapupunta sa auction para sa fund ng Mamba and Mambacita Sports Foundation.

“The wet (from the sweat) jersey of a champion. Congratulations #TeamLeBron!” paunang caption ng Fil-German beauty titlist.

“If you’re a diehard collector, this jersey (among others) are available for auction at auctions.nba.com on Tuesday! All proceeds go to the Mamba Mambacita Sports Foundation#NBAAllStar,” panapos nito. (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More