Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Katas ng paglalaro itinulong ni Alden

0 206

Super proud ang mga fan ni Alden Richards dahil sa pagbibigay nito ng donasyon sa mga biktima ng bagyong Ulysses sa Marikina gamit ang kinita niya sa online gaming.

Nagkalat sa social media ang mga larawan ni Alden habang nasa relief operation nitong Huwebes ng hapon.

Ani Alden, isa sa layunin niya kaya nagsimula sa online gaming ay para mapakinabangan sa mabuting gawain tulad ng charity work ng AR Gaming.

Ang AR Gaming ang gaming channel sa Facebook ng aktor.

“Higher purpose of gaming. Maraming salamat sa inyo,” Facebook post ni Alden.

“Dahil po sa inyo kaya marami tayong matutulungan! Maraming salamat sa suporta sa #ARGaming. #UlyssesRelief,” dagdag niya. (IS)

https://www.facebook.com/AldenRichards/posts/2295511950593611

https://www.facebook.com/AldenRichards/posts/2292526627558810

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.