Una sa Balita

Katahimikan hiling ni Arjo sa relasyon kay Maine

0 923

abante-talbog-joe-barramedaInamin ni Arjo Atayde ang relasyon nila ni Maine Mendoza sa presscon ng “TOL” ng Rea­lty Entertainment. Ayon sa magaling na aktor ay exclusively dating sila ni Maine.

Inamin din ni Arjo na apektado siya sa mga basher nila ni Maine at sana ay bigyan naman sila ng katahimikan.

Anyway, noon pa man ay ipinahayag na ni Maine na magkaibigan lang sila ni Alden Ri­chards at maganda ang relasyon nila ng Pambansang Bae. Kaya maganda ang samahan nila sa “Eat Bulaga.”

Pero, umaasa pa rin ang AlDub Nation na sana sina Alden at Maine pa rin ang magkatuluyan sa huli. Pero, panahon na lang ang makapagsasabi sa magiging kapalaran nilang dalawa.

Pansin ko lang kay Maine ay madali itong ma-in love sa mga bagong nakakasama niya, huh! ‘Di ba nagkasama lang sila ni Arjo sa pelikula nila noon sa MMFF with Vic Sotto at Coco Martin, ang “Jack Em Popoy.”

Well tao lang naman sila na gaya natin ay nakakaramdam ng pagmamahal na itinitibok ng puso nila.

Kasama nga pala ni Arjo sa “TOL” sina Jessy Mendiola, Ketchup Eusebio at Joross Gamboa under Reality Entertainment.

Bakery Fair sa Feb. 15

Lumaganap na ang network ni Wilson Lee Flores lalo na nu’ng nagkaroon ng Kamuning Bakery na nasunog noon. Pero hindi natinag si Wilson at itinayo niya muli ang Kamuning Ba­kery after the fire, at active siya ngayon at kabilang sa Filipino Chinese Bakery Association, Inc.

Magkakaroon nga sila ng Bakery Fair mula Feb. 15 to Feb 17 sa World Trade Center, Metro Manila. Two years na pala ito simula nang sinimulan nila at dinudumog ng maraming panaderya kahit maliliit lang ang iba.

Golden Cañedo eeksena sa Christian, Julie concert

Hindi pa rin makapaniwala ang “The Clash” Grand Champion na si Golden Cañedo na makakasama na niya ang mga idolong sina Julie Anne San Jose at Christian Bautista sa concert stage.

Guest kasi si Golden sa “The Sweetheart and the Balladeer: Fun Night Only” ngayong Linggo (January 27) sa Iloilo Convention Center.

“Noon po judge po siya (Christian). Si Ms. Julie naman po, sinusubaybayan ko po siya every time sa TV noon at kinakanta ko pa po ‘yung songs niya.
Ngayon, kasama ko na po sila sa concert,” sabi ni Golden.

Ito rin ang first ever concert ng young Kapuso singer kaya naman todo paghahanda ang kanyang ginawa para pasayahin ang mga Kapusong Ilonggo bilang bahagi ng Dinagyang Festival participation ng GMA Regional TV.

Makakasama rin nina Julie, Christian, at Gol­den sa gabing iyon ang mga Kapuso comedian na sina Donita Nose at Super Tekla.

Direktor nina Barbie, Mika tsinugi agad?

Very happy ang mga Kapuso actress na sina Barbie Forteza at Mika dela Cruz dahil hindi pa man nagsisimula ang kanilang upcoming GMA show, pinag-uusapan na ito sa social media. Sa katunayan, samu’t saring memes ang viral ngayon tampok ang kanilang mga karakter na dalawa ang mukha pero iisa ang katawan. Sa IGTV na ipinost ni Mika, aliw na aliw silang nag-react ni Barbie sa mga meme na gawa ng netizens.

Pero how true na pinalitan ang director nito at kinailangan mag-reshoot ng ilang eksena dahil hindi raw happy ang management sa initial shots ng mga eksena nito. Well malapit na itong umere at malalaman natin kung ano nga ba ang nabago sa mga eksena nila.

Kyline, Jeric love team buhay pa

Finally ay matutupad na ang pangarap ng mga KyRic fan at magkakasama muli ang tambalang Jeric Gonzales at Kyline Alcantara sa next month-long special ng “Daig Kayo Ng Lola Ko” ngayong February.

Matapos ang pagsasama nila sa matagum­pay na “Kambal Karibal” ay muli silang magtatambal. Hindi man sila pinagbigyan ng GMA para magtambal sa “Inagaw Na Bituin” ay eto naman ang binigay nila para mapagbigyan ang mga KyRic fan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy