Una sa Balita

Kasunod ng engkuwentro sa Samar PNP alerto kontra NPA

0 427

MULING nagpaalala ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa lahat ng police station sa buong bansa na manatiling nakaalerto laban sa pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa Borongan, Eastern Samar na kumitil sa buhay ng 6 na sundalo at kinasugat ng higit 20.

Ayon kay Officer In Charge (OIC) PNP chief Police Lt. Gen. Archie Gamboa, dapat laging nasa offensive mode ang kanilang mga kapulisan.

Hindi na aniya dapat antayin na sumugod pa ang mga NPA bagkus dapat sila ang tinutugis ng mga awtoridad.

Nangyari ang engkuwentro sa pagitan ng militar at NPA noong Lunes ng hapon, makaraang pasabugin ng mga rebelde ang 5 improvised explovice device na sinundan ng 30 minutong palitan ng putok.

Napaulat din na isa sa hanay ng mga komunistang grupo ang nasawi.

Sabi pa ni Gamboa, istilo lamang ito ng NPA para ipakita na malakas pa ang kanilang puwersa, gayunman batay umano sa pagtataya ng Armed Forces of the Philippines ay mababa na ang kanilang bilang. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy