Una sa Balita

Kasong homicide sa dengvaxia controversy posibleng mabasura

By
0 567

NANGANGAMBA si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na posibleng madismiss lamang ang mga kasong homicide na inihain kaugnay sa dengvaxia controversy.

Ipinaliwanag ni Gordon na dahil hindi pa napatutunayan na may namatay dahil sa dengvaxia vaccine, hindi tatayo sa korte ang kasong homicide.

“Wala pa. Pag lumabas na ang scientific evidence pwede na, kaya ngayon homicide, hindi mo naman ma-prove na namatay dahil sa dengue eh di dismiss ang kaso tapos wala na mababaon na sa limot,” diin ni Gordon.

Mas mabuti aniyang ang inihain ay kasong pag­labag sa anti-graft and corrupt practices act dahil sa pagbibigay prayoridad sa bakuna na hindi naman napatunayang epektibo bukod pa sa hindi kailangan.

“Dapat ang finile ay anti graft. Nagpakita ka na pinaboran mo, napabilis ang pagkuha mo,” diin ni Gordon.

Sa kabilang dako, wala nang plano ang komite na buksang muli ang kanilang imbestigasyon dahil naisumite na aniya nila sa Department of Justice at Ombudsman ang kanilang report.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy