Una sa Balita

Kasong grave misconduct walang basehan — Mayor Conti

0 360

TINAWAG na ‘amusing’ at ‘baffling’ ni San Pascual, Batangas Mayor Roanna Conti ang isinampang kasong grave misconduct at ignorance of the law sa Office of the Ombudsman ng kanyang vice mayor na si Antonio Dimayuga dahil lang sa hindi umano nito nalaman ang pagpahinga ng alkalde sa ibang bansa.

“I deny the allegations and find all the charges made by Mr. Antonio Dimayuga both amu­sing and baffling,” giit ni Mayo­r Conti.

Natawa na lang si Mayor Conti dahil luma­labas na naghahanap lang ng atensyon si Vice Mayor Dimayuga dahil alam naman umano at pinayagan pa siya ng gobernador nang magpaalam siya na lilisan muna sa nagdaang Pasko at Bagong Taon.

“Perhaps it is only Mr. Dimayuga who is unaware of my authority to travel and leave, as approved by Governor Hermilando I. Mandanas,” pahayag ni Mayor Conti.

Sinabi pa ni Conti na walang kuwenta ang isinampang kaso laban sa kanya.

“This case is totally baseless accusation, which will only waste the time and energy of our good prosecutors in the Ombudsman’s office. Mr. Dimayuga merely wants attention and the need to feel important,” pahayag ni Conti.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy