Una sa Balita

Kaso vs Ang inihahanda na ng DOJ

By
0 3

Inihahanda na ni Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Agui­rre II ang mga kasong isasampa laban sa negosyante at online gaming operator na si Charlie ‘Atong’ Ang.

Nag-ugat ito sa paratang ni Ang laban kay Aguirre at kay National Security Adviser Hermogenes Esperon na binantaan umano ang kanyang buhay.

Ayon sa kalihim, makakaasa umano si Ang na darating sa kanya ang subpoena ng kanyang mga demanda.

Una rito ay sinulatan na ni Aguirre ang Bureau of Internal Revenue (BIR) upang imbestigahan si Ang sa kanyang mga tax liabilities dahil sa hindi umano nagbabayad ng buwis ang negosyante at sa kanyang illegal gambling operation kagaya ng jueteng. Sinabi rin ni Aguirre na napatunayan na nitong hindi lamang consultant ng gambling tycoon na si Jack Lam si Ang kundi business partners din sila.

Naniniwala si Aguirre na paghihiganti ang mo­tibo sa mga mabibigat na paratang ni Ang laban sa kanya.