Una sa Balita

Kaso pa more vs Nueva Ecija mayor

By
0 1,514

Karagdagang kaso ang kinakaharap sa Office of the Ombudsman ni Lupao, Nueva Ecija Mayor Alex Rommel Romano at ihinihirit na masuspende ito sa puwesto.

Nabatid ng Abante na inatasan si Romano noong Pebrero 2 upang maghain ng counter affidavit sa mga kasong malversation of public funds at paglabag sa Rep. Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Sa mga reklamo ni Vice Mayor Robert Gabayo, inakusahan ng graft si Romano dahil sa ‘ghost road concreting’ at pakikipagkontrata sa Metro Clark Waste Management Corp. (MCWMC) na walang kaukulang resolusyon ng Sangguniang Ba­yan (SB).

Abante Hiring – IT dep

Mula umano sa 23 porsiyentong develop­ment fund noong 2016 ay pinagtibay ng SB ang pagpapa­semento sa Castañeda Street na pinondohan ng P2,230,980.17 at nai-award sa F.C. Martinez Construction.

Noong Setyembre 25, 2017 ay kinumpirma ni Municipal Budget Officer Elizabeth Sambrano, na fully paid na ang proyekto at aprubado ni Romano ang obligation slips na ibinayad sa lansangang nananatiling
‘rough road’ pa rin, batay sa limang litrato na kuha ni Leo P. Montejo noong Setyembre 11, 2017.

Kinastigo pa ni Ga­bayo si Romano dahil sa pinasok na Memorandum of Agreement (MOA) sa MCWMC noong Pebrero 1, 2017 ukol sa paghahakot ng basura na walang SB resolution.

Nakumpirma pa mula sa obligation slip na inaprubahan ni Romano ang pagbabayad noong Hunyo 5, 2017 ng halagang P24,960 para sa Disyembre 2016-Mayo 2017 period.

Dahil dito, iginiit ni Gabayo na ang hindi awtorisadong transaksiyon ay paglabag sa itinatadhana ng batas.