Una sa Balita

Kaso ni Misuari, tengga na!

By
0 114

ZAMBOANGA CITY — Posibleng makalusot pansamantala­ si Moro National Liberation Front (MNLF) chairman Nur Misuari sa patung-patong na kasong kriminal kaugnay sa madugong atake ng mga tauhan nito sa Zamboanga City noong Setyembre 2013.

Ito ay matapos na pumutok ang balitang bibigyan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ng safe conduct pass si Misua­ri bago matapos ang taon­ sa panimula ng muling pakikipag-usap ng pamahalaan sa MNLF na lumagda ng peace agreement sa gobyerno noong Setyembre 1995.

Wanted sa kasalukuyan si Misuari dahil sa ­pagatake na binansagang ‘Zamboanga Siege’ na ikinamatay at ikinasugat ng daan-daang katao sa sagupaang nagtagal ng halos tatlong linggo. Mahigit sa 120,000 katao rin ang apektado ng labanan o bigong rebelyon – sa ikalawang pagkakataon – ni Misuari sa Zamboanga. Noong Nobyembre 2001 ay naglunsad rin si Mi­suari ng rebelyon upang muling mabawi ang lide­rato ng Autonomous Region in Muslim Minda­nao (ARMM) na kung saan ay naging gobernador ito.

Nasa lalawigan ng Sulu si Misuari na kung saan ay protektado ito ng libu-libong mga armadong miyembro ng MNLF kung kaya’t hindi ito magalaw o madakip ng pulisya at militar.

Nais ni Duterte na makumbinsi si Misuari sa isinusulong na Bangsa­moro Basic Law (BBL) ng karibal na Moro Islamic Liberation Front (MILF) upang magkaroon ng pagkakaisa ang dalawang grupo. Ngunit bukod kay Misuari, ang dating ma­yor ng Cotabato City na si Muslimen Sema at Abu Khayr Alonto ay nagsasabing chairman rin sila ng MNLF.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy