Una sa Balita

Kaso ni De Lima binitiwan ng judge

By
0 1,456

NAG-INHIBIT ang isa pang judge na humahawak sa kasong illegal drugs ng nakadetineng si Senador Leila de Lima.

Nabatid na sa kabila ng walang sapat na dahilan para mag-inhibit sa paghawak ng kaso, minabuti ni Muntinlupa Regional Trial Court Judge Lorna Navarro Domingo na bitiwan ang kaso ni De Lima bilang pagpapakita ng good faith sa magkabilang partido.

Nabatid na unang inakusahan ni De Lima si Domingo ng pagiging bias, partiality, at hostility.

Inakusahan pa ni De Lima si Domingo ng premature ruling laban sa kanyang mosyon na idiskuwalipika ang ibang testigo ng prosekusyon.
Si Domingo ay ikaapat na judge na nag-inhibit sa kaso ni De Lima.

Nabatid na kilalang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte si De Lima ay sinampahan ng kaso dahil sa pagkalat ng iligal na droga sa New Bilibid Prison (NBP) noong siya ay kalihim pa ng Department of Justice (DOJ) noong 2010-15.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy