Una sa Balita

Kaso ni Chong resolbahin – VP Leni

By
0 407

IGINIIT ng kampo ni Vice President Leni Robredo sa Presidential Electoral Tribunal (PET) na kaagad resolbahin ang nag-leaked na data mula sa lalawigan ng Camarines Sur na nasa po­der ni Atty. Glenn Chong.

Sa inihain na urgent motion sa PET ni Atty. Romulo Macalintal, kinakaila­ngan umano na imbestigahan ang leak at pagpaliwanagin si Chong kung bakit siya nagkaroon ng data mula sa munisipalidad ng Ragay, Camarines Sur.

Hindi umano kapani-paniwala ang pahayag ni Chong na ang audit logs ay nakuha sa kampo ni dating representative Luis Villafuerte.

Sinabi ni Macalintal na hindi kasama ang lahat sa election protest ni Villafuerte na kinuwestiyon naman ang resulta ng halalan sa Ikatlong Distrito ng Camarines Sur dahil ang Ragay ay bahagi ng unang distrito ng Camarines Sur.

Sa halip na sagutin ni Chong ang isyu ay iba ang ginawa nitong eksplanasyon na hindi naman importante sa tunay na isyu.