Una sa Balita

Kaso ng suicide sa Iloilo lumobo

0 284

Labis ngayong na­alarma ang Iloilo Police Provincial Office (IPPO) sa pagtaas ng bilang ng mga insidente ng nagpapakamatay sa nabanggit na probinsya.

Nabatid kay Col. Roland Vilela, IPPO director, mula nang maupo ito noong Set­yembre 3 ay apat na bilang na agad ng kabataan ang naitalang kinitil ang sari­ling buhay.

Bunga ng patuloy na paglobo ng suicide sa nasabing lugar ay inatasan ni Vilela sa isang command conference ang mga police chief kung paano ito mapipigil.

“Do we need to talk to the teachers to include the topic of mental health in school lectures? Should we ask the PTAs to be our audience to discuss this concern?

Do we need to do lectures among students? We have been considering these efforts to abate the rising suicide cases,” paghimok nito. (Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy