Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kaso ng ‘rat bite’ sa Dagupan sumirit

0 188

Naalarma ang Dagupan City Health Office (DCHO) matapos na makitaan ng pagtaas sa kaso ng ‘rat bite’ o kagat ng daga sa siyudad sa loob ng nakalipas na limang buwan.

Sinabi ng DCHO na dalawa hanggang tatlong kaso ng kagat ng daga ang naitatala sa lungsod kada araw. Dahil dito kung kaya’t pumalo na sa halos 3,000 ang mga kaso ng rat bite sa Dagupan City simula noong Enero hanggang Mayo ng kasalukuyang taon.

Tiniyak naman ng DCHO at mga health center na may sapat silang supply ng anti-rabies vaccines para sa mga biktima ng kagat ng hayop.

Samantala, bumaba ang kaso ng ‘leptospirosis’ sa siyudad noong nakaraang buwan. Ito ay sakit na galing sa ihi ng daga na nahahalo sa tubig baha. Maaari itong makuha ng isang tao na posibleng ikamatay ito kapag hindi nabigyan ng tamang lunas. (Allan ­Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.