Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kaso ng niyaring journalist gumugulong na

0 59

Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang pagpaslang sa radio reporter at electoral candidate sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Ayon sa Police Regional Office sa Soccsksargen, ang biktimang si Jaynard Angeles, reporter ng “Radio ni Juan Radio Station” at tumatakbong konsehal ng Lambayong ay binaril sa Park Sampaguita sa Brgy. Bagong Carmen nitong Miyerkoles.

Nabatid na habang pinapakumpuni ng biktima ang kanyang sasakyan sa Falle Auto Repair Shop ay bgila siyang nilapitan ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek at pinagbabaril sa ulo na ikinamatay nito.

Agad namang tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon sakay ng isang motorsiklo.

Ayon sa PRO-12 Director na si Police Brig. Gen Alexander Tagum, nagsagawa na ng hot pursuit operations ang Tacurong City Police Station laban sa mga suspek.

Leave A Reply

Your email address will not be published.