Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kaso ng monkeypox sisipa sa buong daigdig — WHO

0 80

Naalarma ang World Health Organization (WHO) sa posibleng pagsipa ng kaso ng monkeypox sa buong daigdig matapos maiulat na 92 kumpirmado at 28 hinihinalang kaso ang naitala mula sa 12 bansa na hindi kinakitaan ng nasabing karamdaman.

Gayunman, sinabi ng WHO na madali itong masusugpo sa pamamagitan ng self-isolation at pagmamantini ng kalinisan batay sa available na impormasyon na nakukuha ito sa pagkahawa sa taong infected ng virus.

Nauna nang nagpatawag ng emergency meeting ang WHO official at infectious disease expert na si Dr. David Heymann sa international committee ng mga eksperto via video conference para pag-usapan kung may nangyayaring asymptomatic na pagkalat ng virus gayundin ang ruta ng hawaan at kung sino ang madaling mahawaan nito.

Samantala, naniniwala naman si National Task Force Against COVID-19 Dr. Ted Herbosa na hindi pa kailangang isara ang border ng bansa sa kabila ng banta ng monkeypox.

Ayon kay Herbosa, hindi mystery illness ang monkeypox tulad noong nag-umpisa ang COVID-19 kaya napilitang magsara ng borders ang buong mundo. Na-detect ito sa Africa noong 1958 at kumakalat ngayon sa England, Portugal, Spain, Sweden, Italy, Belgium, France, Amerika, Canada at Australia.

Leave A Reply

Your email address will not be published.