Una sa Balita

Kaso ng leptospirosis sa CAR tumaas

By
0 90

TUMAAS ang bilang ng mga indibiduwal na nagkasakit sa ‘leptospirosis’ sa Cordillera Administrative Region (CAR) mula Enero hanggang unang bahagi ng Oktubre sa taong kasalukuyan, ayon sa Department of Health-Cordillera (DOH-Cor).

Sinabi ni Nurse V ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit ng DOH-Cor Geeny Anne Austria, nakapagtala sila ng 80 na kaso ng leptos­pirosis sa CAR sa loob ng siyam na buwan.

Ayon pa kay Austria, mas mataas ito kumpara sa 51 na kaso sa kaparehong buwan noong noong nakalipas na taon.

Dito, ipinaliwanag ni Austria na ang leptos­pirosis ay isang uri ng bacterial na sakit na may kasamang pananakit ng ulo, trangkaso at iba.

Dagdag pa ni Austria na madaling magkaroon ng leptospirosis ang mga indibiduwal na may sugat sa pamamagitan ng ihi ng mga daga at iba pang uri ng hayop.