Una sa Balita

Kaso ng leptospirosis sa Calabarzon 75 na

0 308

Sinabi ni DOH-CALABARZON Regional Director Eduardo C. Janairo na iwasan ang maglakad sa tubig lalo ngayong tag-ulan at may baha upang maiwasan na makapitan ng sakit na leptospirosis.

“If we have no business to go outside our homes, it is best to stay inside and be safe. Hindi tayo nakakasiguro na ang dadaanan natin ay hindi baha at lalong hindi tayo nakakasiguro na malinis ang tubig nito dahil sa mga basurang nakakalat sa paligid. Mas makabubuti nang umiwas at kung lalabas naman makabubuting magsuot ng bota at siguraduhin na walang sugat o anumang gasgas ang ating paa o binti dahil dito maaaring makapasok ang bacteria na nagdudulot ng leptos­pirosis,” paalala ni Janairo.

“Kailangan din nating uminom ng prophylaxis gaya ng docycyline bago tayo lumusong sa tubig upang makaiwas sa impeksyon na dala ng leptospirosis,” dagdag pa nito.

Naililipat ang sakit na leptospirosis sa balat na may sugat kung naglalakad sa mga lugar na may tubig na posibleng kontaminado ng ihi ng isang hayop partikular ang daga.

Paalala ni Janairo na nakamamatay ang sakit na leptospirosis kaya payo nito na agad na magpakunsulta sa doktor kung tayo ay nakakaranas ng lagnat, pangi­nginig ng katawan o ‘chills’, pananakit ng ulo, binti, kalamnan at kasu-kasuan, namumula ang mga mata, naninilaw ang balat at nahihirapang umihi.

Sa datos ng Regional Epidemio­logy and Surveillance Unit (RESU), may kabuuang 75 na kaso ng leptospirosis ang naitala sa CALABARZON mula Enero 1, 2019 hanggang Agosto 17, 20119 kung saan may 12 namatay.

Nanguna ang Rizal sa may pinakamataas na naitalang kaso na 34 at 7 ang namatay; sumunod ang Cavite kung saan 18 at 2 ang namatay; Laguna na 24 at 1 ang namatay; Batangas – 9 at 2 ang namatay habang wala namang naitalang anumang kaso sa Quezon. (Gene ­Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy