Una sa Balita

Kaso ng Kapa vs SEC binasura ng korte

0 385

Ibinasura ng Regional Trial Court branch 35 ng General Santos City ang petisyon ng Kapa Community Ministry International Inc. laban sa Securities and Exchange Commission (SEC) na pinagbawalan itong manghingi ng investments sa publiko.

Humaharap ngayon sa kasong criminal ang mga officer ng Kapa Community Ministry dahil sa pyramiding at pagbebenta ng mga investments nang walang kaukulang permit o lisensiya na ikinalugi ng libo-libong mga tao.

Ibinasura ni Judge Oscar P. Noel Jr. ang petition for injunction ng Kapa Ministry laban sa SEC sa isang desisyon na pinir­mahan nu’ng June 17.

Ayon sa SEC, kasalukuyang iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation ang Kapa at mga opisyal nito na inireklamo nito noong June 18 dahil sa paglabag ng Securities Regulation Code o Republic Act No. 8799.
Kinasuhan na rin ng syndicated estafa ng NBI at tatlong naluging investors ang mga opisyal ng Kapa sa Department of Justice noong July 8.

Samantala, nag-isyu naman ang Regional Trial Court of Davao City ng precautionary hold departure order laban sa mga opisyal ng Kapa nung July 4 para hindi na sila makatakas sa ibang bansa.

March 2017 pa binalaan ng SEC ang publiko laban sa Kapa dahil ineenganyo nito ang mga taong magbigay sa kanila ng P10,000 kapalit ang interes na 30% buwan-buwan habambuhay. Donation ang tawag ng Kapa sa P10,000 na unang paluwal at love gift o bles­sing naman ang turing nito sa pinangakong 30% na monthly inte­rest o pay out. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy