Una sa Balita

Kaso ng foot and mouth disease sa CAR lumobo

0 460

LUMOBO ang kaso ng hand, foot and mouth diseases (HFMD) sa Cordillera Administrative Region (CAR) mula Enero hanggang Nobyembre ng taong kasalukuyang.

Ayon kay Dr. Jennifer Joyce Pira, medical Officer IV ng Center for Health ng Department of Health – Cordillera, naitala ang 689 na kaso ng HFMD ngayon taon.

Mas mataas ito mula sa 66 na kaso na naitala sa mga kaparehong buwan noong 2018.

Sinabi ni Pira, maaaring nagbago ang mga datos na naitala sa naturang sakit dahil sa pagbabago sa hygiene sa mga bata. Kadalasang nadadapuan ng HFMD ang mga batang gumagapang hanggang sa mga limang taong gulang.

Dahil dito, ipinayo ng manggagamot ang pagkakaroon ng tamang hygiene sa loob at labas ng tahanan para maiwasan ang hand, foot and mouth disease.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More