Una sa Balita

Kaso ng dengue tumaas

By
0 74

TUMAAS ng mahigit sa 100 percent ang kaso ng dengue virus sa ba­yan ng Calasiao, Pangasi­nan, ayon sa Municipal Health Office (MHO) ng nasabing bayan.

Sa pahayag ni MHO officer Dr. Jesus de Vera, umabot sa 92 ang kaso mula buwan ng Enero hanggang Agosto ng taong kasalukuyan na mas mataas kumpara sa naitala sa parehong buwan noong nakalipas na taon.

Ayon sa City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) na ang Calasiao na nanatiling lubog sa baha ang ilang barangay.

Dahil dito, patuloy ang kampanya ng local government unit (LGU) lalo na ang MHO ng Calasiao laban sa dengue virus.

Sinabi ni De Vera, patuloy ang monito­ring ng MHO sa kanilang mga kababayan na tinatamaan ng dengue at iba pang sakit gaya ng pagkakaroon ng alipunga, pagtatae at leptospirosis.

Pakiusap ng MHO na linisin ng mga residente ang kanilang bakuran at tanggapin ang mga nakaimbak na tubig sa kanilang bakuran na posibleng bahayan ng lamok na mangingitlog na siyang nagdadala ng dengue virus at iba pang sakit na makukuha sa tubig baha.