Kaso ng Dengue at Chikungunya bumaba

By

Inihayag ng Department of Health (DOH) na bumaba ang mga kaso ng Dengue at Chikungunya na naitala sa bansa ngayong unang bahagi ng taong 2017.

Ayon sa pinakahuling datos ng Public Health Surveillance Division ng Nat­ional Epidemiology Center (NEC) ng DOH, mula Enero hanggang Abril 1, 2017 ay nakapagtala lamang sila ng 26,433 ng dengue cases sa bansa, na mas mababa ng 35.8 porsiyento kumpara sa 41,170 kaso na naitala nila sa kahalintulad na petsa noong 2016.

Habang nasa 155 ang iniulat na namatay dahil sa sakit o may Case Fatality Rate (CFR) na 0.59 porsiyento.

Nabatid na pinakamataas ang CFR sa mga biktimang kabilang sa age group na 0-4 years old lamang na pumalo sa (0.93%).

Pinakamaraming naitalang kaso ng sakit sa Region 7, na umabot ng 4,273 kaso (16.2%), kabilang ang 44 na patay; sumunod ang Region 3 na may 3,811 kaso (14.4%) at 13 patay; National Capital Region (NCR), na may 3,285 kaso (12.4%) at 15 patay; Region 4A na may 3,240 kaso (12.3%) at 20 patay at Region 12 na may 2,430 kaso (9.2%) at 15 patay.

Nabiktima ng sakit ang nagkakaedad ng wala pang isang buwang gulang hanggang 98-anyos at ang karamihan ng mga kaso ay mga lalaki (53.9%).

SHARE