Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kaso ng COVID sa Cebu lumobo

0 245

NAGSISIMULA nang lumobo ulit ang kaso ng COVID-19 sa Cebu, na ayon sa isang eksperto ay bunsod ng mas nakahahawang Omicron variant.

Sinabi ni Dr. Ma. Bernardita Sarcauga-Chua, co-chair ng COVID Task Force ng Perpetual Succour Hospital Cebu, na pumalo na sa 1,020 ang bagong kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar sapula pa noong Enero 17.

“Gradually dumadami na po, unlike nung start nung taon konti lang. Tapos may significant na increase for the past week,” sinabi nito.

Ang Cebu City ang may pinakamaraming kaso na 602, Cebu Province (257), Mandaue City (83) at Lapu-Lapu City (78).

Karamihan naman sa mga naoospital ay ang mga hindi pa rin bakunado laban sa COVID-19. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.