Una sa Balita

Kaso ng Covid-19 sa W. Visayas pumalo na sa 18

0 368

Umabot na sa kabuuang 18 ang bilang ng tinamaan o nagpositibo sa COVID-19 sa Western Visayas.

Ito ay base na rin sa inilabas na COVID-19 Case Bulletin No. 6, Region 6 ng Department of Health (DOH).

Sa huling tala, ay may tatlong kaso na ang naitatalang positibo sa Aklan.

Lima sa Iloilo; isang sa Capiz; lima sa Bacolod City; tatlo sa Iloilo City habang isa sa Negros Occidental.

Isa naman sa nagpositibo sa Bacolod City ay tuluyan nang nakalabas ng pagamutan nang makarekober ito sa nasabing sakit.

Tanging ang mga lalawigan ng Guimaras at Antique ang nananatili COVID-19 free.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More