Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kaso ng 3 COVID variant sumirit sa PH

0 44

Nadagdagan pa ng 678 bagong kaso ng COVID­19 variants sa bansa mula sa 744 samples na isinailalim sa ‘sequencing’.

Ayon sa ‘whole-genome sequencing report’ ng Philippine Genome Center (PGC) na isinumite sa Department of Health (DOH), natukoy ang 289 kaso ng B.1.1.7 variant (UK variant), 380 kaso ng B.1.351 variant (South African) at siyam na kaso ng P.3 variant.

Nalaman na mula sa bagong UK variant, 48 kaso ay mga returning overseas Filipino (ROF), 185 ay mga lokal na kaso at 56 pa ang biniberepika.

Tatlong kaso naman dito ang aktibo pa, dalawa ang nasawi at 284 ang nakarekober na.

Sa natuklasan na South African variants, 107 ay mga ROF, 196 ay local cases, at 77 ang biniberepika pa. Isang kaso na lamang sa mga ito ang aktibo pa habang nakarekober na ang 379 pa.

Pawang nakarekober naman na ang siyam na bagong P.3 variant, na kinabibilangan ng tatlong ROFs, apat na local cases at dalawa na bineberepika pa.

Samantala, sinabi ng DOH na ang P.3 variant na unang natuklasan sa Pilipinas ay hindi pa isinasama sa variant of concern dahil kulang pa ang mga datos kung ito ay may malaking epekto sa pampublikong kalusugan.

Matatandaang noong Abril ay nasa 600 ang kaso ng mga COVID variant sa bansa. (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.