Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kaso kay Enchong Dee sa Davao umusad

0 672

Magiging malungkot ang pagpasok ng 2022 para kay Enchong Dee dahil umakyat na sa korte ang kasong Cyber Libel na sinampa ng DUMPER Partylist Representative Claudine Bautista-Lim laban sa kanya.

Meron pa raw dalawang nakasuhan, pero na-dismiss daw ito. Ang kay Enchong lang daw ang umusad, kaya pinipigilan daw muna magsalita ang aktor. Pinagbabawalan na raw itong magpa-interview tungkol sa sinampang kaso sa kanya.

Naka-file uang naturang kaso sa Davao Oriental. Kaya magiging malaking abala ito sa aktor dahil kailangan niyang lumipad sa naturang probinsya para sa mga hearing.

Ang nakapaloob sa Cyber Libel na isinampa laban kay Enchong ay P500M moral damages at P500M sa exemplary damages.

Nagbunga ito dahil lamang sa isang komento na pinost ni Enchong sa Twitter. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.