Una sa Balita

Kaskaserong lady driver, todas sa mishap

By
0 10

Isa ang kumpirmadong patay habang dalawa ang sugatan sa tatlong bebot na sangkot sa naganap na aksidente sa Brgy. Sico 2, San Juan, Bata­ngas, bandang alas-11:35 kamakalawa ng gabi.

Sa nakalap na impormasyon sa San Juan Municipal Police Station, sakay ng kulay abuhing Toyota Vios (ABO 2064) ang mga biktimang sina Ma. Reena Dass y Celira, 31-anyos, drayber at may-ari ng sasakyan, mga pa­saherong sina April Saballa y Magat, 30, at Elaine Briones y Cacao, 32, pawang mga residente ng Brgy. Tala-Ibon, Ibaan, Batangas, nang maganap ang insidente.

Matulin umano ang takbo ng sasakyan ng mga biktima, ayon sa mga saksi, nang mawalan ng kontrol sa manibela ang drayber pagsapit sa kurbadang bahagi ng kalsada. Dulot nito’y sumal­pok sila sa konkretong poste ng kuryente na ikinasawi ni Dass.

Abante Hiring – IT dep

Isinugod naman sa San Juan District Hospital ang dalawa pang biktima bago inilipat sa Mary Mediatrix Hospital na ngayo’y under observation. ­