Una sa Balita

Kasingganda ba nina Janine, Janella? Elmo Magalona inilantad ang dyowa sa IG

0 806

Mukhang nakatulong ang COVID-19 para masilip ng mga netizen ang identity ng girlfriend ngayon ni Elmo Magalona. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang Kapamilya actor na ibalandra ang cheesy photo nila ng kasintahan sa Instagram, na pinangalangan niyang si Ry.

Pinoste ni Elmo ang photo ng girlfriend habang magkadikit ng patagilid ang kanilang katawan at magkahawak braso. Nakapikit ang nakangiting si Elmo dahil sa paghawak ng girlfriend sa kanyang mukha.

Selebrasyon ng kanilang anniversary ang araw ng posting na ‘yun ni Elmo at sa labis marahil ng pagmamahal niya sa kasintahan at pagkasabik nito dahil sa ipinapatupad na social distancing at lockdown, sa socmed ibinuhos ng aktor ang kanyang pag-ibig kay Ry.

“Happy anniversary Ry. Thank you for being my rock & for being u always. To more memories together. ILYSM”.

Kung hindi siguro dahil sa COVID-19 at sa pagkasabik ni Elmo, baka hanggang paramdam lang ito sa magandang nangyayari sa kanyang lovelife sa social media. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More